Just In Mike Enriquez PUMANAW NA!

JUST IN MIKE ENRIQUEZ
Bagama't hindi pa kinukumpirma ng pamilya... PAGPANAW NI MIKE, NAG-VIRAL SA SOCMED Nagulantang ang social media sa balitang pagpanaw ng beteranong TV host, radio broadcaster at news anchor ng 24-Oras na si Mike Enriquez sa edad na 72. Nauna naming nabasa ang napakalungkot na balitang ito sa Facebook page ng Pilipinas Today. Si Miguel Castro Enrique o mas kilala bilang Mike Enriquez ay isa sa mga pinakarespetado at pinagkakatiwalang tao sa larangan ng media sa Pilipinas. Matatandaang nag-file ng medical leave si Mike noong December 2021 upang sumailalim sa kidney transplant procedure. Matapos ng successful operation, tatlong buwan siyang nag-isolate para maisawan ang mga infections at complications. Pero noong March 2022 ay muli siyang bumalik sa kanyang mga news programs, pero pagkalipas ng ilang buwan ay napansin ang pagkawala niya uli. Nang bisitahin namin ang Instagram account ng isa sa mga malapit na kaibigan at katrabaho ni Mike sa GMA-7 na si Arnold Clavio, nakita namin ang latest post nito na isang black background na may kandila sa gilid. Nakita rin naman ang sunud-sunod na sad react comment ng ilang reporters at personalidad sa Kapuso Network sa naturang IG post ni Arnold. Habang isinusulat naman ito ay hindi pa rin naglalabas ng official statement ang pamilya ni Mike Enriquez tungkol sa balitang pagpanaw umano nito.

Comments

Popular Posts